Monday, May 4, 2009

CASE FILE # 001

MAY 3, 2009, 08:16 P.M.
UNKNOWN ANIMAL





NaBIGLA ako nang BIGLA akong tawagin ni Mama dahil sa isang ‘di malamang bagay. Agad ko siyang pinuntahan sa balkonahe ng aming bahay at kinilabutan sa aking nasaksihan.

Isang ‘di pamilyar na nilalang ang bumulagta sa harap na aming mga mata.... isang Butiki na parang palaka o isang Palaka na parang butiki. EWAN!

Ang mga katangian ng nasabing “unknown creature” ay:
· Katawan isang butiki
· Paa ng isang palaka
· Ang balat nito ay parang sa butiki ngunit ang kulay ay sa balat ng palaka
· Mga matang tulad sa palaka ngunit ang hugis ng ulo ay tulad sa butiki
· Kakayahang tumalun-talon tulad ng isang palaka
· Kakayahang dumikit sa pader/kisame tulad ng isang butiki

Sa aking palagay, ang butiki na parang palaka na parang butiki ay nanggaling sa isang babaeng palaka at lalaking butiki na nagkaroon ng “intercourse”. Ito ang nabuong teorya sa aking isipan dahil tuwing gabi, may palakang umaaligid sa Grotto namin sa bahay. Samantalang ang mga butiki naman ay masayang namumuhay kahit saan.


Hindi na namin nahuli ang Unknown Animal dahil sa takot (baka bumuga pa ito ng apoy... mahirap na). At nung nagkalakas na kami ng loob ng kapatid ko, ito’y nawala na. Bahala na si Bro sa kanya.

Siya nga pala, pinangalanan ko ang hayop na iyon ng “BULAKA”.
...
..
.
..
...
..
.
..
...
...
.
.
.
.
..
REMARKS: UNSOLVED

No comments: